Akó ay isáng kapuripuri at maipagmámalakíng produkto ng pampublikong páaralán at sa aming henerasyon, akó ang unang nagtapós sa kolehiyo. Lumaki akó sa isáng pamilyang maliit lamang ang kinikita sa pángkabuhayan kaya sa gulang na labindalawá, akó ay sumama sa aking iná na mamasukan sa bukid bilang katulong. Tumayô akóng tagapágpaliwanag o tagapamagitan sa aking mga magulang dahil sa kaniláng kakulangán sa págsasalitâ ng wikang Inglés at kaalamán sa systema ng edukasyón. Samantalang nasa bukid ang aking mga magulang, ináalagaan ko ang aking mga kapatíd habang ináayos ko aking mga aralín at sariling trabaho. Mulâ noón, naging gabáy akó ng aking mga kapatid sa kaniláng paglaki at nagsilbing ínspirasyón sa kaniláng pag-aaral hanggáng sa mákamít ang kaniláng mga tagumpáy.
Lumipat akó sa Sacramento taóng 2001 upang tapusin ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Humawak akó ng dalawang trabaho sa loób ng labíng-anim na oras (full-time job): walóng oras sa araw, gayón din sa gabí, upang matustusán ang aking pag-aaral at matulungan ang aking mga magulang. Dahil sa sikap at tiyagâ at sa tulong ng aking mga gurò nalampasán ko ang maraming balakid sa kahirapan at natapos ko ang BA sa Sacramento State University, at MS sa University of Pacific, McGeorge School of Law. Sa kasalukuyan, mahigít nang labintatlóng taón ang aking kaalamán at karanasán sa paggawâ ng mga pátakarán hinggíl sa pamamalakad sa Edukasyón, Kalusugan, Gawaing Pantáhanan, at ibá pang mga bagay.
Sa loób ng sampúng taóng paninirahan ko sa Natomas akó’y nagíng aktibong kasapi (member) ng ibá’t ibáng samahán (organizations) sa mga purok pampáaralán bilang hinirang na miyembro sa Natomas Citizens Bond Oversight Committee at sa Natomas Planning Advisory Council. Bilang miyembro ng Lupón (Boardmember) ng Natomas Schools Foundation, tungkulin kong matiyák ang kasiguruhán ng mga mág-aarál na makapagprisintá o makapag-apply para sa Chromebooks at sa Iskolarsip o Karunungan (Scholarship). Ang hubugin ang mga kabataan sa pagíging mahusay na pinunò, lider, o tagapamahalà ay ang gawaing aking kinagígiiwan (passion). Nagtrabaho akó sa mga organisasyón tulad ng California Center for Civic Participation at sa Chicano Latino Youth Leadership Project upang gumawâ ng Kuríkulum (Course of Study) at Gawaing Pampalátutunan (Programming) para mabigyáng kahandaán ang mga kabataan sa karunungang pámpropesyonál at kahusayan sa pamumunò.